NHA TRANG, VIETNAM--lIang taon nang hindi nananalo ang Pilipinas sa South Korea sa larangan ng international men's basketball.
Mula sa 2002 Busan Games, 2009 Tianjin FIBA-Asia Championship, 2010 Guangzhou Games, 2011 Jones Cup hanggang sa 2011 Wuhan FIBA-Asia Championship.
Kaya sa pagsagupa ng Energen Pilipinas sa South Korean kagabi sa semifinal round ng 2nd FIBA-Asia U-16 Championship, ang paghihiganti ang nasa kanilang isipan.
“There so many tweets and messages in Facebook about that but I don't want to live in the past and these boys were still young when it happened," wika ni Energen Pilipinas coach Olsen Racela matapos talunin ang West Asian champion Iraq, 82-69, sa quarterfinals kamakalawa ng gabi.
Ang tinutukoy ni Racela ay ang all-pro team noong 2002 na natakasan ng South Korea sa semifinal round sa Asian Games sa Busan, Korea. Ang all-pro team ring Powerade Pilipinas ay natalo sa Korea, 80-82, para sa seventh place sa 2009 FIBA-Asia Championship sa Tianjin, China.
Nakataya sa 2nd FIBA-Asia U-16 ang isang tiket para sa FIBA World Championship sa Kaunas, Lithuania na nakatakda sa Hulyo 17-26 sa 2012.
“We want this win not for me, not for the past Phl teams, its more for our country and these boys because they sacrificed a lot and a win will not only bring us to the finals but also qualify us to the FIBA Worlds,” ani Racela.