MANILA, Philippines - Sa kanyang media day kahapon sa Wild Card Boxing Gym sa Hollywood, California, hindi nagbigay ng prediksyon si Manny Pacquiao kung mapapabagsak niya si Juan Manuel Marquez sa Nobyembre 12 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
“All questions will be answered in the ring on my fight night with Marquez,” wika ni Pacquiao, gigil na patulugin si Marquez sa kanilang pangatlong paghaharap matapos noong 2004 at 2008.
Idedepensa ni Pacquiao, may 53-3-2 win-loss-draw ring record kasama ang 38 KOs, ang kanyang hawak na World Boxing Organization (WBO) welterweight title laban kay Marquez (53-5-1, 39 KOs) sa Nobyembre 12 sa MGM Grand.
Maglalaban sina Pacquiao at Marquez sa napagkasunduang catchweight 144-pound championship fight.
Sinabi ng Filipino world eight-division champion na napag-aralan na nila ni five-time Trainer of the Year Freddie Roach ang mga galaw ng Mexican world lightweight titlist.
“We have studied new techiques and strategies. Still, I cannot say if it’s going to be a knockout,” sabi ni Pacquiao. “If it’s going to be a knockout, that’s a bonus.”
Naging puspusan ang ginawang paghahanda ni Pacquiao, bumili ng isang brand new gun-metal-colored Ferrari 458 Italia sports car na nagkakahalaga ng $255,000 bilang regalo sa kanyang sarili, mula sa kanyang training camp sa Baguio City hanggang sa Wild Card Boxing Gym sa Hollywood, California.
Inaasahan naman ni Bob Arum ng Top Rank Promotions na magiging kapana-panabik ang naturang ‘trilogy’ nina Pacquiao at Marquez.
“If it’s the same ‘Pacquiao’ that fought Marquez four years ago who will fight him (Marquez) on November 12, it will be a close fight,” ani Arum. “But, Pacquiao had no right hand four years ago.”