MANILA, Philippines - Magpapakita ng kani-kanilang tikas ang magagaling na fighters ng bansa sa pangunguna ng elite blackbelters mula sa 12 regions sa 2011 Smart MVP Best of the Best taekwondo championship sa Oktubre 29-30 sa San Miguel by the Bay, Music Hall, SM Mall of Asia.
Tanging ang gold medal winners sa blackbelt levels ng national events gaya ng sa Luzon, Visayas at Mindanao Championships, sa UAAP, NCAA, AFP-PNP Olympics at lahat ng TA competitions sa Metro Manila at iba’t ibang regions kabilang ang blackbelt organizations Taekwondo Blackbelt Brotherhood (TBB), Taekwondo Blackbelt Sorority (TBS) at Philippine Taekwondo Contingent (PTC) ang kuwalipikadong lumahok.
Inaasahan ni tournament director Jesus Morales III ang 700 blackbelts na lalahok sa nasabing event na inorganisa ng Philippine Taekwondo Association.
Ang nasabing event ay suportado ng SMART Communications Inc., MVP Sports Foundation at PLDT.