^

PSN Palaro

Vietnam dapat katakutan ng mga kalaban

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Bagamat isang club team lamang ang kakata­wan sa Vietnam, magi­ging paborito pa rin ito sa V-League Invitational Club Championship na hahataw bukas sa The Arena sa San Juan City.

Sina power-hitters Anac­taxia Trernai at Eko­te­rina Martynova ang aasahan ng Vietsopetro sa nasabing four-day tournament na magtatampok rin sa Malaysia, Philippine Army at Ateneo De Manila University.

“Although the two national players of Vietnam are training in China at hindi kasama sa Vietsopetro ang kapalit naman nila ay dalawang Russian players who are both six-footers,” sabi ni Moying Martelino ng nag-oorganisang Sports Vision.

Ang dalawang miyembro ng Vietnam national squad ay kasalukuyang nagsasanay sa China para sa kanilang paghahanda sa 26th Southeast Asian Games sa Indonesia sa Nob­yembre.

Nakatakdang dumating sa bansa kahapon ang mga Vietnamese at Malay­sian delegations.

Sina Lan Kee, Lim Lay Kuan, Josephine Goh at Nur Haizreen ang gagabay sa Malaysia, hinugot rin sina national junior players Tan Chiew Lee, Jessie Lee, Ursula Moh at Yew Sook Ting.

 Unang makakalaban ng Vietsopetro ang Army, nagreyna sa Open Conference ng Shakey’s V-League Season 8, bukas ng alas-2 ng hapon sa The Arena kasunod ang laban ng Malaysia at Ateneo sa alas-4.

ATENEO DE MANILA UNIVERSITY

JESSIE LEE

JOSEPHINE GOH

LIM LAY KUAN

MOYING MARTELINO

NUR HAIZREEN

OPEN CONFERENCE

PHILIPPINE ARMY

SAN JUAN CITY

VIETSOPETRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with