Nationals tinalo ang Japan, sasagupa sa Iraq sa quarters

NHA TRANG CITY, Vietnam --Umiskor si Jay Alejandro ng 34 points upang pangunahan ang 83-72 panalo ng Energen Pilipinas laban sa Japan patungo sa quarterfinal round ng 2nd FIBA-Asia U-16 Championship dito sa Kanh Hoa Sports Center dito.

Ang 16-anyos na si Alejandro, isang graduating student at Malayan High ay nagtala ng 16-of-28 fieldgoal shooting bukod pa sa kanyang 10 rebounds, four assists at steal.

Sa bisa ng 5-0 rekord sa Nationals na nagbigay sa kanila ng No. 1 seed sa Group F, naitakda ang kanilang quar­terfinal showdown ng West Asian champion Iraq, na­ging No. 4 sa Group E sa 2-3 (win-loss) slate nito.

“It’s a confidence booster for the boys now they can compete with the tougher teams and we’re 5-0,” ani Ener­gen Pilipinas coach Olsen Racela.

“But the thing is like I said it gives so much confidence to our boys that they can really compete against tough teams not just compete but also win,” dagdag pa ni Racela, inialay ang kanilang panalo sa kanyang inang si Mary Rose na nagdiwang ng pang 68th birthday noong Sabado.

Nalimitahan ng Energen Pilipinas ang mga top outside gunners ng Japan na sina Yasunori Aoki, Daiki Kaneko at Taisei Shirato, mga top three-point gunners sa torneo.

 Sila ay may pinagsamang 11 points.

Nagtala sina Rev Diputado at Hubert Cani, miyembro ng koponang nagwalis sa nakaraang Southeast Asian Basketball Association U-16 sa Banting, Malaysia, ng 14 at 10 points, ayon sa pagkakasunod.

 Ang quarters pairings ay magtatamnpok sa defending champion China (5-0) laban sa Saudi Arabia (2-3), ang South Korea (4-1) kontra sa Indonesia (3-2) at ang Japan (4-1) katapat ang Lebanon (2-3).

 Energen Pilipinas 83- Alejandro 34, Diputado 14, Cani 10, Asilum 7, Heading 6, Rivero 6, Javelosa 2, Ramos, 2, Lao 2, Go 0, Caracut 0, Dalafu 0

Japan 72- Sugiura 30, Baba 26, Kaneko 5, Shinkawa 4, Shirato 3, Yasunori 2, Kenta 2, Kishin 0, Fumiya 0, Yoshitomo 0, Koki 0, Tomoyuki 0

Quarterscores: 21-22; 48-36; 70-57; 83-72

Show comments