Chan nahirang na PBAPC PoW
MANILA, Philippines - Kung may player man si coach Yeng Guiao na kanyang naasahan sa huling dalawang panalo ng Rain or Shine, ito ay si Jeff Chan.
“He’s been the most consistent for us,” wika ni Guiao sa kanyang 6-foot-2 small forward na nagposte ng mga averages na 17.0 points, 2.5 rebounds, 4.0 assists, 1.0 steals at 1.0 blocks sa tagumpay ng Elasto Painters laban sa Meralco Bolts at Alaska Aces sa 2011-2012 PBA Philippine Cup.
Kaya naman nahirang ang 27-anyos na si Chan bilang Accel-PBA Press Corps Player of the Week.
“People tend to look at his offense but his defense has improved a lot from last year. He’s also gotten to be a better passer. He’s been working hard in practice. Very deserving,” dagdag pa ni Guiao kay Chan.
Sa 4-1 rekord ng Rain or Shine, naglista ang 2008 PBA No. 17 overall pick ng team-leading 16 points, 3.0 rebounds, 3.2 assists at 1.4 steals per game averages.
“Gusto ko lang ma-i-angat ang laro ko at matulungan ang team,” wika ni Chan. “Kaya nga after practice stay pa ako sa gym, mga 30 minutes up to an hour. Basta matapos lang ang routines ko.”
Sa 89-84 pananaig ng Elasto Painters sa Bolts noong nakaraang Miyerkules, umiskor si Chan ng 14 points, habang tumapos naman siya na may 20 points sa 120-84 paglampaso sa Aces noong Linggo.
- Latest
- Trending