Vietnam, Malaysia palaban sa V-League

MANILA, Philippines - Sina power-hitters Anac­­taxia Trernai at Eko­te­rina Martynova ang inaasahang sasandigan ng Vietnam sa pagsabak ng VIETSOPETRO sa V-League Invitational Club Championship na hahataw sa Huwebes sa The Arena sa San Juan City.

Ang dalawang miyembro ng Vietnam national squad ay kasalukuyang nagsasanay sa China para sa kanilang paghahanda sa 26th Southeast Asian Games sa Indonesia.

Ngunit aasahan pa rin nila si ace setter at dating national team mainstay Pham Thu Ha.

Mga beterano at bagitong spikers naman ang itatampok ng Malaysia sa kanilang pagsabak sa torneo katapat ang Philippine Army at Ateneo De Manila University sa torneong inihahandog ng Shakey’s Pizza.

Nakatakdang dumating sa bansa ngayong araw ang mga Vietnamese at Malaysian delegations.

Sina Lan Kee, Lim Lay Kuan, Josephine Goh at Nur Haizreen ang magdadala sa Malaysia, hinugot rin sina national junior pla­yers Tan Chiew Lee, Jessie Lee, Ursula Moh at Yew Sook Ting.

“This is going to be an exciting, action-packed tournament,” wika ni Mo­ying Martelino ng nag-oorga­nisang Sports Vision.

Ang apat na koponan ay maglalaban sa isang single round robin format kung saan ang top two teams ang mag-aagawan para sa korona, habang ang dalawang nasa ibaba ang maglalaro para sa third place honors.

Show comments