POC problemado sa pagkain ng Phl delegation sa 26th SEAG
MANILA, Philippines - Maliban sa wala pang napapanalisang listahan ng delegasyon, ang pagkain rin ng mga national athletes ang pinoproblema ng Philippine Olympic Committee (POC) para sa darating na 26th Southeast Asian Games sa Jakarata at Palembang, Indonesia sa Nobyembre.
Sa nakaraang SEA Games sa Laos noong 2009, nakapagdala ang POC ng kusinero para sa pagkain ng mga atleta.
“Dito sa tingin ko, lalo na sa Jakarta, medyo napakahirap gawin mo ‘yon,” ani deputy Chef De Mission Romeo Magat ng lawn tennis association. “Sa Palembang, mayroong nakitang dalawang bahay na puwedeng magluto. Pero may policy sila na if you cook food outside you cannot bring it inside the Athletes’ Village.”
Ang mga Indonesians ay kilalang mahihilig sa mga maanghang na pagkain na hindi naman kayang kainin ng mga Filipino athletes.
Matapos maging overall champion noong 2005 sa nahakot na 113 gold, 84 silver at 94 bronze medals, nahulog ang katayuan ng bansa sa SEA Games sa pagiging No. 5 (38-35-51) sa Laos noong 2009 at No. 6 (41-91-96) sa Thailand noong 2007.
Kumpiyansa naman si Indonesian SEA Games Organizing Committee director (INASOC) for Palembang Muddai Madang na makukumpleto ang athletes’ village dormitory sa oras.
- Latest
- Trending