NHA TRANG CITY, Vietnam-- Naglista ang Energen Pilipinas ng 11-of-23 shooting sa three-point range para ilampaso ang Saudi Arabia, 100-42, at makuha ang No. 2 seeding sa quarterfinal round ng 2nd FIBA-Asia U-16 Championship dito sa Khan Hoa Sports Center.
Una nang naglista ang Nationals ng pitong tres sa kanilang 107-28 demolisyon sa Qatar noong Sabado para sa kanilang 4-0 kartada sa Group B.
Tuluyan nang maibubulsa ng mga Filipinos ang No. 1 seed kung matatalo nila ang mga Japanese, giniba ang Indonesians, 77-46, sa kanilang laro kagabi.
“The real tournament starts against Japan so I keep telling the boys to be prepared,” sabi ni Energen Pilipinas coach Olsen Racela.
“Against Japan and the rest of our games starting in the quarterfinals, I told them we will be playing college teams,” dagdag pa nito.
Sa kanilang mga paggiba sa Saudi Arabia, Qatar, host Vietnam (111-25) at Indonesia (93-60), nagtala ang Energen Pilipinas ng average winning margin na 70.75 points a game.
Ang tagumpay sa Japan ang magbibigay sa kanila ng No. 1 seed na magtatakda sa kanilang quarterfinal showdon ng reigning West Asian champion Iraq, nalagpasan ang 32 points ni 7-foot-1 Satnam Singh Bhamara upang kunin ang 72-64 panalo at sikwatin ang No. 4 seeding sa Group A.
Nasa Group A rin ang nagdedepensang China at South Korea.
Ang kabiguan naman sa Japan ang maghuhulog sa Energen sa No. 2 kasagupa ang mga Lebanese, ang West Asian Basketball Association second runners up na uupo sa No. 3.
Energen Pilipinas 100--Rivero 17, Heading 15, Asilum 14, Diputado 14, Ramos 11, Cani 8, Dalafu 8, Alejandro 6, Caracut 3, Go 2, Javelosa 2.
Saudi Arabia 42--Sakar 11, Barnawi 9, Hansawi 7, Musallam 5, Almalalah 4, Althalabi 3, Shubayli 2, Alkhammas 1.
Quarterscores: 28-12; 53-27; 76-37; 100-42.