Energen dinurog ang Qatar sa FIBA-Asia Under-16
NHA TRANG CITY, Vietnam -- Pinaglaruan lamang ng Energen Pilipinas ang Qatar, 107-28, para makapasok sa quarterfinal round ng 2nd FIBA-Asia U-16 Championship dito sa Kanh Hoa Sports Center.
Nagtala si Hubert Cani ng anim sa kanyang 15 points sa first quarter, habang gumawa si Rev Diputado ng 12 sa kanyang 16 points sa second half.
Ito ang pangatlong sunod na panalo ng Nationals matapos talunin ang Indonesia, 93-30, at host Vietnam, 111-25, sa first round papunta sa quarterfinals ng torneong naglalaan ng isang silya para sa FIBA World U-17 Championship sa Kaunas, Lithuania sa susunod na taon.
"We're getting there," sabi ni Energen PIlipinas’ head coach Olsen Racela. "We've played some relatively weak teams the past three games and we've seen players developing some bad habits.”
Ipinahinga naman ni Racela si Xavier standout Kyles Lao na may left ankle injury.
Makakatapat ng Nationals ang Saudi Arabia sa quarters kasunod ang Japan.
Energen Pilipinas 107 - Diputado 16, Cani 15, Heading 13, Caracut 13, Dalafu 10, Javelosa 10, Rivero 8,Asilum 7, Go 6, Alejandro 5, Ramos 4.
Qatar 28 - Dawoud 10, Abdelwaky 7, Saad 6, Al Marri 3, Alamhad 2, Al Ahbabi 0, Mohamed 0, Al Abidi 0, Al Tamimi 0, Al Malki 0, Al Sheraim 0, Almutawa 0.
Quarterscores: 36-6; 56-10; 85-20; 107-28.
- Latest
- Trending