Army, Ateneo masusubukan ng Vietnam at Malaysia sa V-League Invitational

MANILA, Philippines - Magkaroon ng pagka­kataon ang Philippine Army at Ateneo De Manila University na makasukatan ang Vietnam at Malaysia sa V-League Invitational Club Championship na ha­hataw sa Oktubre 27 sa The Arena sa San Juan.

Ang Lady Troopers at La­dy Eagles ang nagreyna sa dalawang torneo ng Sha­key’s V-League Season 8.

Makakatapat ng Army at Ateneo ang Vietnam, mag­paparada ng dalawang Russian players at Ma­laysia sa nasabing four-day tournament.

Muling aasa si Lady Troo­pers’ head coach Rico de Guzman sa mag-utol na sina Michelle at Marietta Carolino kasama sina Dahli Cruz, Joanne Buñag, Cristina Salak, Ma. Theresa Iratay, Patricia Siatan-Torres at dating Shakey’s V-League MVP Mary Jean Balse sa tor­neong inihahandog ng Sha­key’s Pizza.

Pangungunahan naman nina top hitters Alyssa Val­dez at Fille Cainglet ang La­dy Eagles katuwang sina Gretchen Ho, Dzi Gervacio, Dennise Lazaro, Jem Ferrer at Leal Patnongon.

Ang Vietnam ay ba­bande­rahan ng Vietsovpet­ro squad na humugot kina Rus­sian reinforcements Trer­nai Anactaxi at Marty­nova Ekoterina.

Pamumunuan naman ni­na veterans Josephine Dee, Tan Chiew Lee at Ursula Ching ang Malaysia bu­kod pa sa mga pambatong sina Jessie Lee See, Wong Fei Tien at Ho Xiao Hui.

Show comments