Army, Ateneo masusubukan ng Vietnam at Malaysia sa V-League Invitational
MANILA, Philippines - Magkaroon ng pagkakataon ang Philippine Army at Ateneo De Manila University na makasukatan ang Vietnam at Malaysia sa V-League Invitational Club Championship na hahataw sa Oktubre 27 sa The Arena sa San Juan.
Ang Lady Troopers at Lady Eagles ang nagreyna sa dalawang torneo ng Shakey’s V-League Season 8.
Makakatapat ng Army at Ateneo ang Vietnam, magpaparada ng dalawang Russian players at Malaysia sa nasabing four-day tournament.
Muling aasa si Lady Troopers’ head coach Rico de Guzman sa mag-utol na sina Michelle at Marietta Carolino kasama sina Dahli Cruz, Joanne Buñag, Cristina Salak, Ma. Theresa Iratay, Patricia Siatan-Torres at dating Shakey’s V-League MVP Mary Jean Balse sa torneong inihahandog ng Shakey’s Pizza.
Pangungunahan naman nina top hitters Alyssa Valdez at Fille Cainglet ang Lady Eagles katuwang sina Gretchen Ho, Dzi Gervacio, Dennise Lazaro, Jem Ferrer at Leal Patnongon.
Ang Vietnam ay babanderahan ng Vietsovpetro squad na humugot kina Russian reinforcements Trernai Anactaxi at Martynova Ekoterina.
Pamumunuan naman nina veterans Josephine Dee, Tan Chiew Lee at Ursula Ching ang Malaysia bukod pa sa mga pambatong sina Jessie Lee See, Wong Fei Tien at Ho Xiao Hui.
- Latest
- Trending