^

PSN Palaro

Gadi, Vivas sisimulan ang kanilang kampanya sa VP Binay Grand Prix

-

MANILA, Philippines - Ang kanilang unang panalo ang siyang pakay nina top seed Toby Gadi at No. 2 Paul Vivas sa men’s Open singles sa paghataw ng fourth leg ng P1 million VP Bi­nay Grand Prix Badminton Open Championships-PBaRS sa Powersmash sa Makati.

Hangad naman ni Bian­ca Carlos na makuha ang kanyang ikaapat na korona sa women’s Under-19 side.

Makakatagpo ni Gadi, asam ang sweep, si Kevin Al­cantara ngayong alas-10 ng umaga, habang maka­ka­tapat ni Vivas si Allen del Mundo sa 11:40 ng tanghali.

Sinimulan kahapon ang event na inihahandog ng MVP Sports Foundation at Robinsons Land mula sa 100 matches kasama ang Open, U-19 at U-15 men’s, women’s at boys at girls’ singles.

Kabilang sa mga nag­wa­gi ay sina Malvinne Ann Alcala, Alizandra Cande­laria , Carissa Obnial, Da­nica Enriquez, Diane Cas­tro, Marie Garcia, Dani­ca Pelegrino, Anna Alba, Gra­ce Lim, Thaila Aguilar, Isa­bel Fernandez at Flo La­migo.

Sa boys’ U-19 singles, tinalo ni Isaac Leonardo si Spencer See, 21-16, 11-21, 22-20; binigo ni Reden Cuden si Kyle Gosiaco, 21-19, 24-22; ginapi ni Isaac Orellano si Jimbo Flores, 17-21, 21-19, 21-16; at pinayukod ni Gen Fabro si Jeffrey Iquina, 21-19, 17-21, 21-11.

Samantala, lalabanan ni third seed Gabriel Mag­na­ye sa premier class si Re­den Cuden, samantalang magtatagpo naman si­na No. 4 Joper Escueta at Ra­mon Dalo sa torneong su­­portado ng PLDT Smart Foun­dation, Robinsons Mall, Gatorade at official equip­ment sponsor Victor.

ALIZANDRA CANDE

ANNA ALBA

CARISSA OBNIAL

DIANE CAS

FLO LA

GABRIEL MAG

GEN FABRO

GRAND PRIX BADMINTON OPEN CHAMPIONSHIPS

ISAAC LEONARDO

ISAAC ORELLANO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with