Pagulayan bigo kay Appleton sa US Open 9-Ball

MANILA, Philippines - Tinakasan ng husay si Alex Pagulayan sa dalawang mahahalagang laro ukol sa hangarin niyang ma­pagharian ang 2011 US Open 9-ball Championship na nagtapos kahapon sa Che­sapeake Convention Center, Chesapeake, Virgi­nia, USA.

Nagsimulang bumagsak ang laro ng tinaguriang ‘The Lion’ sa tagisan nila la­ban sa nagdedepensang kam­peon na si Darren Appleton para sa hot seat.

Lumamang pa si Pagu­la­yan sa 6-4 pero nakuha ni Appleton ang kanyang laro ka­sabay ng pagbagsak ng Pinoy para matalo pa sa 6-11.

Nagkaroon pa ng pag­ka­kataon si Pagulayan na ma­kabawi at labanan si Appleton sa Finals kung ma­nalo kay Shawn Putnam sa laro para pangunahan ang one loss bracket.

Pero wala pa rin ang su­werteng hanap ni Pagula­yan dahil napako uli siya sa walong panalo tungo sa 11-8 kabiguan.

Bunga nito ay nalagay la­mang sa ikatlong puwes­to si Pagulayan .

Nangibabaw naman si Appleton kay Putnam, 13-6, para kunin ang ikalawang sunod na titulo.

Show comments