Hatawan na sa VP Binay Grand Prix

MANILA, Philippines - Magsisimula ngayon ang huling araw ng agawan para sa national badminton ranking points sa paghataw ng fourth leg ng VP Binay Grand Prix Badminton Open Championships-PBaRS sa Powersmash sa Makati.

Itatampok sa torneo ang mga nagkampeong sina Toby Gadi at Gelita Castilo (Open singles), Joper Escueta at Bianca Carlos (Under-19), Markie Alcala at Joella de Vera (Under-15).

Naglatag rin ng mga cash prizes para sa week-long event ang MVP Sports Foundation at Robinsons Land.

Magsisimula ang labanan ng 128 players sa boys’ U-19 singles kung saan nag-aagawan sa No. 1 seat sina Escueta at Wilbert Natividad. Humakot si Escueta ng 15,252 points mula sa kanyang panalo sa first at se­cond legs.

Asam naman ng 16-anyos na si Carlos na mawalis ang kanyang dibisyon sa torneong inorganisa nina Vice President at Philippine Badminton Association president Jejomar Binay, Rep. Albee Benitez at businessman-sportsman Manny Pangilinan.

Show comments