Brgy. Pulpogan pasok sa Regional Finals

CEBU City, Philippines - Nakasama ng Barangay Pulpogan ang maagang qualifier na Barangay Poblacion Pardo sa Regional Finals ng 1st Handy Fix Super Lea­gue National Barangay Championship.

Makakasagupa ng Pul­pogan na hiniya ang Pob­lacion Pardo sa overtime, 82-80 ang Brgy. Dumlog ng Talisay City, habang mag­haharap naman ang Brgy. Poblacion Pardo at Pajo Pardo ng Lapu-Lapu City sa Nov. 6 sa Don Vicente Sotto Memorial Gym.

Tumapos si Ernesto Tudtud ng 15 puntos para sa Pulpogan na naging tulay para hiranging Max Bond Player of the Games, habang nagdagdag naman si Russell Moneva, ang Sapal Defensive Player of the Games ng 14 puntos.

Si Lawrence Miguel Marano ang siyang na­nguna naman sa Pardo sa kanyang 24 puntos.

Ang naturang tournament at suportado ng Sapal Leastic Sealant, Max! Bond Super Glue, Max! Masking Tape, Max! Electrical Tape, Metal Guard, Red Brake Fluid, Maxweld, Buildrite Construction Chemicals, at Unilab.

Nakatakda ang national finals sa Nov. 12 at 13 sa Don Vicente Sotto Gym sa Punta Princesa, Cebu City na ang magka-kampeon ay tatanggap ng P25,000.

Show comments