Coseteng mangunguna sa taekwondo team
MANILA, Philippines - Si dating senador Anna Dominique “Nikki” Coseteng ang babandera sa delegasyon ng Pilipinas sa nalalapit na 4th Chicago International Taekwondo Winter Games sa Norridge, Illinois sa Nobyembre 11-13.
Tinawagan ng two-term legislator si Adrian Ayalin ng Public Relations and Communications Industry ng US Embassy para tulu-ngan ang mga miyembro ng koponan sa kanilang panayam para makakuha ng US Visa.
Sinabi ni Coseteng na handa siyang samahan sa embahada ang mga kabataang atleta kung makakatulong ang kanyang presensya para makakuha ng US Visa ang mga bata.
Humiling din ang taga-suporta ng isports ng mas maagang petsa ng interbyu para magkaroon pa ng panahon kung may aberyang kailangang ayusin sa huling minuto. Ang panayam ay naka-iskedyul sa Oktubre 24.
Si Coseteng ay bisita sa SCOOP Sa Kamayan weekly session sa kamayan Restaurant-Padre Faura kasama niya ang taekwondo team Charizza Camille Alombro, JR Alombro, Robert Louis Pangilinan, Janine Marqaida, Jana Razon, Amber Acosta at Gabby Lamarca ang koponan na haharap sa pinakamahuhusay na manlalaro ng taekwondo sa isang “showcase” ng talent, galing at husay.
Isa ang 12-anyos na si Pangilinan ang magbibigay ng panalo sa bansa.
- Latest
- Trending