MANILA, Philippines - Tila bumalik sa kanyang unang taon sa pagboboksing si Manny Pacquiao.
“I really like this fight. Kaya ‘yung encouragement sa training, ‘yung determination ko to train hard nandoon,” sabi kahapon ni Pacquiao matapos ang kanilang sparring session sa Wild Card Boxing Gym sa Hollywood, California. “Parang ang gana ko sa training is like when I started in boxing.”
Nakatakdang itaya ng 32-anyos na si Pacquiao, may 53-3-2 win-loss-draw ring record kasama ang 38 KOs, ang kanyang suot na WBO welterweight title laban sa 38-anyos na si Juan Manuel Marquez (53-5-1, 39 KOs) sa Nobyembre 12 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
Ito na ang sinasabing pinakamasidhing preparasyon na ginagawa ng Filipino world eight-division champion.
Para tutukan ng 100 percent ang kanyang paghahanda sa kanilang pangatlong laban ni Marquez, hindi tumanggap si Pacquiao ng anumang TV guestings o special events kumpara sa nakaraan niyang mga laban.
Sa nakalipas na dalawang linggo ay binugbog ni Pacquiao ang ilan sa kanyang mga bagong sparring partners.
Kabilang na rito ang mayabang na si undefeated African fighter Hastings Bwalya, dumugo ang ilong mula sa matulis na uppercut ni Pacquiao, at si Scottish boxer Jaime Kavanagh, dalawang beses bumagsak.
“Honestly, I think the fight shouldn’t pass 7 or 8 rounds. Manny is on his game right now,” wika ni Ray Beltran, ang sparring partner ng Sarangani Congressman sa nakaraang siyam na taon