^

PSN Palaro

Matinding ensayo ang ginagawa ni Pacquiao para paghandaan si Marquez

- Ni RCadayona -

MANILA, Philippines - Tila bumalik sa kanyang unang taon sa pagbobok­sing si Manny Pacquiao.

“I really like this fight. Kaya ‘yung encouragement sa training, ‘yung determination ko to train hard nandoon,” sabi kahapon ni Pacquiao matapos ang kanilang sparring session sa Wild Card Boxing Gym sa Hollywood, California. “Parang ang gana ko sa training is like when I started in boxing.”

Nakatakdang itaya ng 32-anyos na si Pacquiao, may 53-3-2 win-loss-draw ring record kasama ang 38 KOs, ang kanyang suot na WBO welterweight title laban sa 38-anyos na si Juan Manuel Marquez (53-5-1, 39 KOs) sa Nobyembre 12 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Ito na ang sinasabing pinakamasidhing preparas­yon na ginagawa ng Filipino world eight-division champion.

Para tutukan ng 100 percent ang kanyang paghahanda sa kanilang pangatlong laban ni Marquez, hindi tumanggap si Pacquiao ng anumang TV guestings o special events kumpara sa nakaraan niyang mga laban.

Sa nakalipas na dalawang linggo ay binugbog ni Pacquiao ang ilan sa kanyang mga bagong sparring partners.

Kabilang na rito ang ma­­yabang na si undefea­ted African fighter Hastings Bwalya, dumugo ang ilong mula sa matulis na upper­cut ni Pacquiao, at si Scottish boxer Jaime Kava­nagh, dalawang beses bu­magsak.

“Honestly, I think the fight shouldn’t pass 7 or 8 rounds. Manny is on his ga­me right now,” wika ni Ray Beltran, ang sparring partner ng Sarangani Congressman sa nakaraang siyam na taon

HASTINGS BWALYA

JAIME KAVA

JUAN MANUEL MARQUEZ

LAS VEGAS

PACQUIAO

RAY BELTRAN

SARANGANI CONGRESSMAN

SHY

WILD CARD BOXING GYM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with