^

PSN Palaro

Pagulayan sumargo ng 2 panalo, umabante sa Finals bracket

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Pinagtibay ni 2005 cham­pion Alex Pagulayan ang paghahabol sa 2011 US Open 9-Ball Championship title nang umusad ito sa Finals bracket sa kompetis­yong inilalaro sa Chesapeake Convention Center, Chesapeake Virginia, USA.

Dalawang panalo ang kinuha ni Pagula­yan ka­sama ang 11-0 sa kaba­bayang si Warren Kiamco upang maging isa sa walong bilyarista sa winner’s group na aabante sa Finals bracket.

Bago si Kiamco ay tinu­hog muna ni Pagulayan si Stan Shuffett sa 11-4 iskor.

 Nakasama naman ni Kiamco na nasa one-loss side sina Jundel Mazon, Lee Van Corteza at Antonio Lining na natalo sa mga hinarap na laro.

 Hindi kinaya nina Mazon at Corteza ang husay ni Kenichi Uchigaki nang tuhugin sila nito sa 11-9 at 11-2 iskor habang si Lining na nanaig muna kay Ralf Souquet, 11-7, ay umuwing talunan kay Johnny Archer, 11-3.

 Sa pangyayari, kaila­ngan nina Kiamco, Mazon, Corteza at Lining na masama sa walong manlalaro sa loser’s side na aabante sa huling yugto ng sagupaan.

Kalaban ni Mazon si Saez; si Corteza ang babangga sa mananalo kina Naoyuki Oi at Phil Burford; si Lining ay makakaharap ng magwawagi kina Darryl Peach at Shuffett habang si Kiamco ang makakasu­katan ng mananalo sa pagitan nina Niels Feijen at Jonathan Pinegar.

Isang kabiguan ang tuluyang tatapos sa laban ng mga nasa loser’s side.

 Nagpahinga na rin si Antonio Gabica nang matalo kay Mike Dechaine, 11-5, sa laro sa loser’s bracket.

Maliban kay Gabica ay manonood na lamang sina Israel Rota at Jose “Amang” Parica.

vuukle comment

ALEX PAGULAYAN

ANTONIO GABICA

ANTONIO LINING

BALL CHAMPIONSHIP

CHESAPEAKE CONVENTION CENTER

CHESAPEAKE VIRGINIA

CORTEZA

KIAMCO

MAZON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with