^

PSN Palaro

Lakas at bilis ni Pacman tatapatan ni Juan Ma

- Ni RCadayona -

MANILA, Philippines - Aminado si Juan Manuel Marquez na ang bilis at lakas ni Manny Pacquiao ang siya pa ring magiging pa­ngunahing sandata ni ‘Pacman’ sa kanilang pangatlong paghaharap sa Nobyembre 12 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Ito ang inamin ng 38-anyos na si Marquez sa HBO Sports. “I believe that Pacquiao has become a much complete fighter, but his speed and power are still his most dangerous attributes,” sabi ni Marquez, kasalukuyang nagsasanay sa Romanza Gym sa Mexico City.

Ipagtatanggol ni Pacquiao, may 53-3-2 win-loss-draw ring record kasama ang 38 KOs, ang kanyang suot na WBO welterweight title laban kay Marquez (53-5-1, 39 KOs) sa Nobyembre 12 sa MGM Grand.

Bagamat tatlong beses napabagsak sa first round, isang draw ang nailusot ni Marquez sa kanilang unang laban ni Pacquiao noong Mayo ng 2004.

Inagaw naman ni ‘Pacman’ ang suot na WBC super featherweight belt ni Marquez mula sa isang split decision sa kanilang rematch noong Hunyo ng 2008.

AMINADO

JUAN MANUEL MARQUEZ

LAS VEGAS

MARQUEZ

MEXICO CITY

NOBYEMBRE

PACMAN

PACQUIAO

ROMANZA GYM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with