4 teams asam ang buwenamanong panalo

MANILA, Philippines - Magkaroon ng magandang simula ang pakay ng apat na koponan na magtutuos sa pagbubukas ngayon ng 2nd PBA D-League sa Ynares Arena sa Pasig City.

Ang bagong bihis na PC Gilmore ay makiki­pagsukatan sa beteranong Freego Jeans sa unang bak­bakan ganap na ika-2 ng hapon habang ang Blackwater at Boracay ang magtutuos sa ikalawang sagupaan dakong alas-4.

May 11 koponan ang magtatagisan sa ligang ito at magnanais ang mga kalahok na patalsikin ang NLEX Road Warriors na siyang hinirang na kampeon ng unang edisyon ng D-League.

Ang Freego ang isa sa itinuturing na palaban sa titulo dahil babalik sa kopo­nan si coach Leo Austria at ang mga manlalaro nito sa Adamson ang pambatong manlalaro.

Show comments