^

PSN Palaro

Cage teams ng Thailand lalaro na sa 26th SEA Games

-

MANILA, Philippines - Makapaglalaro ang Thailand men’s at women’s bas­ketball teams sa 26th Southeast Asian Games sa Indonesia mula Nobyembre 11 hanggang 22.

Makakasali ang Thai teams matapos alisin ng FIBA-Asia ang suspension na naunang ipinataw sa nasabing bansa bunga ng pagkakaroon ng problema sa liderato sa kanilang national basketball association.

Ngunit naisaayos na ang problemang ito nang mag­halal ng bagong opisyales ang Thailand Basketball Association na pangungunahan ngayon ni Surasak Chi­nawongwatana.

Nasa special congress na ginanap noong Sabado sina FIBA secretary-general Patrick Baumann at FIBA Asia sec-gen Dato Yeoh Choo Hock at Thai International Olympic Committee member Dr. Nat Indrapana na gi­na­wa sa Bangkok, Thailand.

Umabot sa 97 basketball clubs sa Thailand ang dumalo at dito ay nagkasundo na magsagawa ng elek­syon na nagluklok kay Surasak.

Ang pangyayari ay tulad sa nangyari sa Pilipinas dahil nasuspindi rin ng dalawang taon ang Pilipinas ng FIBA dahil may dalawang grupo ng basketball ang nagnanais na maging National Sports Association.

Naayos lamang ito nang nailuklok si Manny V. Pa­ngilinan bilang pangulo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) at kinilala ng Philippine Olympic Committee at kinalaunan ay ng FIBA Asia at FIBA World.

Dahil sa pagpasok ng Thailand, tiyak na mapapalaban ang Pambansang koponan na hinahawakan nina men’s coach Norman Black at women’s coach Haydee Ong.

Mas mapapalaban ang women’s team dahil kilala ang Thailand sa husay lalo na sa women’s basketball.

DATO YEOH CHOO HOCK

DR. NAT INDRAPANA

HAYDEE ONG

MANNY V

NATIONAL SPORTS ASSOCIATION

NORMAN BLACK

PATRICK BAUMANN

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

PILIPINAS

SAMAHANG BASKETBOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with