^

PSN Palaro

Energen naging madali ang laban

-

NHA TRANG CITY, Vietnam - Gumaan ang trabaho ng Energen Pilipinas nang hindi maglaro ang powerhouse Iran sa ikalawang sunod na pagkakataon sa 2nd FIBA-Asia Under-16 Championship dito sa Khanh Hoa Sports Center.

Kalaban ng Nationals, winalis ang nakaraang South­east Asian Basketball Association Championship noong Agosto, ang Indonesia at nakatakdang labanan ang Vietnam ngayong alas-8 ng gabi sa hanga ring madomina ang Group D.

Nakatiyak na ng isang second round spot, haharapin ng Energen ang mga Group C qualifiers Japan, Saudi Arabia at Qatar na umabante matapos mabigong magpakita ang Iran dahil sa visa problems.

“Our initial goals are to make the quarterfinals and if possible finish the elimination round as the top seed,” wika ni Energen Pilipinas coach Nash Racela.

Nauna nang tinalo ng Nationals ang Saudi Arabia, 64-29, noong Martes bago ang panalo sa Iran via forfeiture.

Sa iba pang resulta, binigo ng West Asian champion Iraq ang Uzbekistan,100-32, habang tinalo ng Saudi Arabia ang Qatar, 85-47, sa nasabing 11-day event na may nakalatag na isang tiket para sa 2012 FIBA World U-17 Championship sa Hunyo 29 hanggang Hulyo 8 sa Kaunas, Lithuania.

Nakita naman ni Racela ang husay ng defending champion China matapos igupo ang India, 64-27, samantalang dinurog ng Lebanon ang Uzbekistan, 108-21.  

ASIA UNDER

ASIAN BASKETBALL ASSOCIATION CHAMPIONSHIP

ENERGEN PILIPINAS

GROUP C

GROUP D

KHANH HOA SPORTS CENTER

NASH RACELA

SAUDI ARABIA

UZBEKISTAN

WEST ASIAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with