^

PSN Palaro

Tutukan mo ang SEAG 'wag ako - GTK kay Peping

-

MANILA, Philippines - Mas dapat tutukan ni Philippine Olympic Committee (POC) president Jose ‘Peping’ Cojuangco, Jr. ang darating na 26th Southeast Asian Games sa Indonesia sa Nobyembre 11-25.

Ito ang sinabi kahapon ni Go Teng Kok, pinipilit na patalsikin ni Cojuangco bilang pangulo ng Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA) at Philippine Karatedo Fe­deration (PKF) at miyembro ng POC.

“We should improve our overall standings in the last SEA Games in Laos,” wika ni Go sa lingguhang PSA sports forum sa Shakey’s sa U.N. Avenue, Manila. “But it looks like Mr. Cojuangco forgot that and is more inte­rested in ousting me.”

Matapos tanghalin bi­lang overall champion no­ong 2005 sa nakolektang 113 gold, 84 silver at 94 bronze medals, nahulog ang katayuan ng bansa sa SEA Games sa pagiging No. 5 (38-35-51) sa Laos noong 2009 at No. 6 (41-91-96) sa Thailand noong 2007.

Sinabi pa ni Go na da­pat magpatawag ng Ge­neral Assembly si Cojuangco para malaman ang saloobin ng mga National Sports Association (NSA)s hinggil sa kanilang mga tsansa sa 2011 SEA Games.  

Sa 2009 Laos SEA Games, humakot ang mga atleta ni Go sa athletics event ng kabuuang 7 gold, 3 silver at 4 bronze medals sa ilalim ng Thailand (14-20-14), Indonesia (7-7-7) at Vietnam (7-4-11).

Noong 2005 SEAG sa Manila ay nakakolekta ang PATAFA ng 9 gold, 10 silver at 7 bronze medals bago pumang lima sa nasikwat na 5-7-9 medalya sa Thailand noong 2007.(RC)

COJUANGCO

GO TENG KOK

MATAPOS

MR. COJUANGCO

NATIONAL SPORTS ASSOCIATION

PHILIPPINE AMATEUR TRACK AND FIELD ASSOCIATION

PHILIPPINE KARATEDO FE

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with