NHA TRANG CITY, Vietnam--Makakaharap ng Energen Pilipinas ang Southeast Asian rival Indonesia ngayong alas-8 ng gabi sa Group D sa pagsisimula ng 2nd FIBA-Asia Under-16 Championship dito sa Khanh Hoa Sports Center here.
“We’ve faced them before and we have an idea on how we will manage them,” ani Energen Pilipinas coach Olsen Racela, winalis ang nakaraang Southeast Asian Basketball Association Championship noong Agosto.
Susunod na makakasukatan ng mga Filipinos ay ang mga Vietnamese bukas ng alas-8 ng gabi.
“My concern is practice time because I’d like more practice time, they’ve given us 45 minutes but we feel that’s not enough,” sabi ni Racela.
Samantala, pinayagan na ng FIBA-Asia ang lahat ng Energen Pilipinas players na makapaglaro sa kabila ng pagkukuwestiyon ni FIBA-Asia deputy secretary-general Hagop Khajirian ng Lebanon sa citizenship papers nina Fil-foreigners Jordan Heading at Nick Dalafu.
Inihanda na nina Samahang Basketbol ng Pilipinas deputy-executive director Bernie Atienza at Energen Pilipinas team manager Joel Lopa ang mga papeles at passports ng Filipino father ni Dalafu na si Ephraim at ng Filipina mother ni Heading na si Sally.
“We passed with flying colors,” wika ni Atienza, namumuno sa Filipino delegation sa nasabing 11-day tournament na naglalatag ng tiket para sa 2012 FIBA World Under-17 Championship sa Hunyo 29 hanggang Hulyo 8 sa Kaunas, Lithuania.
Matatandaang hindi pinayagan ni FIBA-Asia secretary-general Dato Yeoh Choo Hock of Malaysia sina Smart Gilas Pilipinas’ Fil-Ams Chris Lutz at Marcio Lassiter na makalaro sa nakaraang FIBA-Asia Championship sa Wuhan, China.