MANILA, Philippines - Dalawang Pilipinong motocross rider ang inimbitahan sa prestihiyosong 27th Annual MTA World Vet Championships na gaganapin sa Nobyembre 5 at 6 sa San Bernardino, California.
Ang Golden Wheel Awardee at unang Asian Motocross Champion na si Glenn Aguilar at ang SEL-J Sports CEO at Hari ng Motrocross na si Jay Lacnit ang dalawang naimbitahan.
Ang MTA World Vet Championships ay isa sa mga pinaka-premyadong Vet class motocross events ng taon kung saan makikita ang mga pinakamalala-king pangalan sa motocross, kabilang na ang mga dating kampeon tulad nina 18-time MTA World Vet winner Doug Dubach at Reigning 30+ class champion Ryan Hughes na parehong kakarera sa world-class USGP track ng Glen Helen.
Hindi lamang ang kapana-panabik na karera ang dapat abangan dito, ang 2011 MTA World Vet Championships ay magkakaroon ng maraming gawain para sa mga tagahanga bago at matapos ang karera, tulad ng isang buong araw na motocross instruction na gagawin ng Ryno Institute sa Nobyembre 2, at mga bazaar at demonstration ng iba’t ibang produkto.
Sina Aguilar at Lacnit ang tanging Pilipino na sasali sa event. Aalis sila sa Oktubre 30. Ang karera ay ipapalabas sa Motocross TV sa Studio 23. Ang Motocross TV ay brainchild ni Lacnit na nagsisilbing pangunahing outlet upang ipalabas ang motocross events ng SEL-J