^

PSN Palaro

Giyera sa 87th NCAA final four

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Sisikapin ngayon ng San Beda at San Sebastian na selyuhan ang pagkikita sa Finals sa paghataw ng Final Four ng 87th NCAA men’s basketball sa The Arena sa San Juan City.

Unang sasalang ang No. 1 San Beda laban sa No. 4 Jose Rizal University sa ganap na alas-2 ng hapon, habang ang No. 2 San Sebastian ay makikipagtunggalian sa No. 3 Letran sa alas-4.

Ang Red Lions at Stags ay may tangan ng ‘twice-to-beat’ advantage kontra sa Heavy Bombers at Knights.

Binibigyan naman ng tsansa ang tropa ni coach Vergel Meneses at Louie Alas na makaisa sa serye.

“It’s going to be an in­teres­ting semifinals because Letran knows how to beat San Sebastian the same way that JRU knows how to deal with us,” wika ni San Beda coach Frankie Lim, nasa isang seven-ga­me winning streak papa­sok sa Final Four.

Ngunit kumpiyansa naman si Lim hindi mauulit ang tinamong 65-76 pagkatalo sa Jose Rizal noong Setyembre 14.

“We were coming off from a long break then. This time we are coming off tough games. I believe we will have a different results,” kumpiyansang pahayag ni Lim.

Ang Stags na lumasap ng tatlong kabiguan sa huling apat na laro upang masayang ang naunang pamamayagpag sa 15-0 ay handa rin sa laban kontra sa Knights na siyang nagpasimula ng bangungot na pagtatapos ng tropa ni coach Topex Robinson sa pamamagitan ng 82-81 over­time win noong Set­yem­bre 30.

Aasa ang koponan sa husay nina Calvin Abueva, Ronald Pascual at Ian Sangalang.

Nakita sa laro kontra sa San Beda na kung malili­mi­tahan ang kanilang Big Three ay mahihirapan ang ko­ponan kaya’t kailangan ng Stags ang suporta ng bench. 

ANG RED LIONS

ANG STAGS

BIG THREE

CALVIN ABUEVA

FINAL FOUR

FRANKIE LIM

SAN

SAN BEDA

SAN SEBASTIAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with