^

PSN Palaro

2 Pinoy gold sa World Wushu Championships

-

MANILA, Philippines - Binalikat nina Jessie Aligaga at Dembert Arcita ang laban sa ginto ng Pilipinas nang hirangin silang kampeon sa sanda sa pagtatapos ng 11th Wushu World Championships noong Biyernes sa Ankara Sports Arena, Ankara, Canada.

Si Aligaga ay nanalo kay Davit Grigoryan ng Armenia sa finals ng 48 kgs., habang si Arcita ay nakaungos kay Tu Hong Hoang ng Vietnam sa tatlong mahigpitang rounds para sa ginto sa 52kgs.

Kinasabikan ang labanan nina Arcita at Hoang dahil nauna silang naghati sa dalawang round ngunit mas tu-mama ang Filipino sanda bet para ibigay sa bansa ang ikalawang gintong medalya.

Ang mga lady sanda artist na sina Marianne Mariano at Mary Jane Estimar ay nakontento na lamang sa bronze medals sa 52kgs at 56kgs nang matalo sa mga Chinese bets na sina Qui Tiao at Liu Ling Ling ayon sa pagkakasunod.

Sina Mark Eddiva (65kgs) at Benjie Rivera (56kgs) ay naghatid ng bronze medals para tumapos ang sanda team na ipinadala ng Wushu Federation Philippines (WFP) taglay ang 2 ginto, 2 pilak at 2 bronze medals at pumangatlo kasunod ng China at Iran.

Si Daniel Parantac ay nanalo ng bronze sa taolo para tulungan din ang koponan na mairehistro ang pinakamagandang pagtatapos kung paglahok ng Pilipinas sa World Championships ang pag-uusapan.

ANKARA SPORTS ARENA

ARCITA

BENJIE RIVERA

DAVIT GRIGORYAN

DEMBERT ARCITA

JESSIE ALIGAGA

LIU LING LING

MARIANNE MARIANO

MARY JANE ESTIMAR

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with