^

PSN Palaro

Sports facilities sa 26th SEAG tiniyak na matatapos sa oras

- Ni RCadayona -

MANILA, Philippines - Hindi pa 100 porsiyentong kumpleto ang mga sports facilities sa Jakarta, Palembang at Central Java para sa nalalapit na 26th Southeast Asian Games na nakatakda sa Nobyembre 11-22.

Ito ang inamin ni Sports and Youth Minister Andi Mallarangeng kaugnay sa mga gagamiting venues para sa naturang biennial event na huling idinaos sa Laos noong 2009.

“Everything will run on time. We will be fine,” sabi ni Andi, kinukuwestiyon ng Corruption Eradication Commission (KPK) bilang witness sa SEA Games graft case kung saan pangunahing suspek naman si sports ministry secretary Wafid Muharram.

Tiniyak naman ni Andi na hindi makakapekto sa paghahanda nila sa 2011 SEA Games ang KPK in­ves­tigation.

Hindi pa rin nakukumpleto ang pagpapagawa sa mga sporting venues na gagamitin para sa swimming, athletics at shooting.

Kaugnay nito, inutusan na ni Vice President Boe­diono si South Sumatra Governor Alex Noerdin na tapusin sa tamang oras ang mga SEA Games venues sa Jakabaring Sport City sa Palembang.

Kumpiyansa naman ang Philippine Sports Commission (PSC) at ang Philippine Olympic Committee (POC) na papasok sa Top Three sa overall standings ang bansa sa 2011 SEA Games.

Sapul nang hiranging overall champion noong 2005 sa nahakot na 113 gold, 84 silver at 94 bronze me­dals, nalaglag ang katayuan ng bansa sa SEA Games sa pagiging No. 5 (38-35-51) sa Laos noong 2009 at No. 6 (41-91-96) sa Thailand noong 2007.

ANDI

CENTRAL JAVA

CORRUPTION ERADICATION COMMISSION

JAKABARING SPORT CITY

PALEMBANG

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

SOUTH SUMATRA GOVERNOR ALEX NOERDIN

SOUTHEAST ASIAN GAMES

SPORTS AND YOUTH MINISTER ANDI MALLARANGENG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with