Sonsona muling bubuhayin ang career sa pagharap sa Mexican boxer sa Sabado

MANILA, Philippines - Minsan nang naging world boxing champion bago nalaglag matapos ang isang mapait na pagkatalo, sinabi ni “Marve­lous” Marvin Sonsona na handa na siyang buhayin ang kanyang career.

Lalabanan ni Sonsona si Mexican Carlos Jacobo sa Sabado sa Hoops Dome sa Lapu Lapu City.

Nagbabalik mula sa isang 20-month hiatus, haharapin ni Sonsona (14-1-1, 12 KOs) si “Flash of Lightning” Jacobo (16-3-1, 14 KOs) sa “Back with a Vengeance” boxing card.

“I’m okay now. Nagdesisyon ako na ang boxing ang magiging career ko at ibibigay ko ang buhay ko sa boxing,” sabi ni Sonsona sa press coference na dinaluhan rin nina promoter Sammy Gello-ani, Jacobo kanyang trainer na si Miguel Angel Meza Salazar.

Sumikat si Sonsona noong 2009 nang angkinin ang WBO superflyweight title mula sa isang 12-round decision labn kay Puerto Rican Jose “Carita” Lopez.

Nawala sa kanya ang korona nang mabigong makuha ang weight sa kanyan unang title defense laban kay Alejandro Hernandez. Nauwi sa draw ang naturang laban.

Show comments