MANILA, Philippines - Hindi ikinokonsidera ni Manny Pacquiao si Mexican boxer Juan Manuel Marquez bilang mahirap na katunggali sa welterweight division.
Sa panayam ni Lem Satterfield ng The Ring, sinabi ni Pacquiao na nirerespeto niya si Marquez bilang isang mahusay na boksingero pero mapapahirapan siya kung ang laban ay ginagawa pa sa mas mababang timbang.
“I will acknowledge that he was my toughest opponent when I was fighting at 130 and 125 pounds. But in this division. I still consider this to be one of the toughest opponent but not like, the toughest,” wika ni Pacquiao.
Ikinokondisyon ng Pambansang kamao nang husto dahil alam niyang ganito rin ang ginagawa ni Marquez na masidhi ang pagnanais na talunin siya upang makabawi sa tabla noong 2004 at pagkatalo sa pamamagitan ng split decision noong 2008.
Kinilala din ng kasalukuyang pound for pound king ang malaking tulong na ginawa ni Venezuelan lightweight Jorge Linares dahil tulad siya ni Marquez kung lumaban.
“Linares has a lot of same style as Marquez. Linares is faster than Marquez and quicker than Marquez so that helped me a lot,” ani pa ni Pacquiao.
Nagsimula ang pagsasanay ni Pacman sa Baguio City at ngayon ay nasa Wild Card Gym na upang dito isagawa ang matitinding ensayo na ayon kay trainer Freddie Roach ay katatampukan pa ng 100 rounds ng sparring.