46 paaralan sasabak sa UniGames sa Oktubre 22-29
MANILA, Philippines - Magkakaroon ng pagkakataon ang mga atleta mula sa kolehiyo at unibersidad sa iba’t ibang probinsya sa bansa na maipakita ang angking galing sa paglarga ng 2011 Philippine University Games mula Oktubre 22 hanggang 29 sa Roxas City.
Umabot sa 46 ang paaralang kalahok na pinakamarami sa kasaysayan ng UniGames at ang edisyon ay susuportahan uli ng Philippine Sports Commission (PSC).
“The UniGames is part of the PSC’s grassroots program. Colleges and Universities in the province are also using the weeklong tournament to gauge their respective sports programs against elite teams in the UAAP and NCAA making the event interesting,” wika ni PSC commissioner Jolly Gomez na dumalo sa PSA Forum kahapon.
May 14 sports ang lalaruin at isinama sa unang pagkakataon ang larong bilyar upang makatuklas ng mga bagong mukha lalo nga’t ang sport ay patuloy na nagbibigay ng karangalan sa mga malalaking kompetisyon sa mundo.
Ang iba pang lalaruin ay athletics, swimming, basketball, football, lawn tennis, badminton, table tennis, taekwondo, volleyball, beach volleyball, chess at sepak takraw.
Maliban sa karagdagang pondo, tutulong din ang PSC sa aspetong teknikal at sa unang pagkakataon ay gagamitan ng electronic timers ang aksyon sa athletics at swimming.
Ang Colegio dela Purisima, Concepcion ang siyang pagdarausan karamihan ng laro at ang tema sa taon ay “A way of life.. A Path to Peace”.
- Latest
- Trending