MANILA, Philippines - Iba’t iba ang naging resulta sa naging mga laro sa Taguig elimination ng 1st Handy Fix Super League National Barangay Championship.
Tinalo ng Barangay Maharlika, sa likod nina Max Bond Super Glue at Sapal Sealant best players Anthony Azares at Jun Ibrahim, ang Barangay Fort Santiago, 77-75, habang binigo ng Barangay Bagumbayan ang Barangay Central Bicutan, 93-85, mula kina Artjay Portalito at Nomer Evangelista.
Noong Linggo, iginupo ng Barangay Tipas Napindan ang Barangay Bagumbayan, 88-81, samantalang pinayukod ng Barangay Central Bicutan ang Barangay Fort Bonifacio, 97-96, buhat kina Dexter Merin at Kenneth Estojero.