^

PSN Palaro

Tigers winalis ang men's title sa UAAP table tennis

-

MANILA, Philippines - Kinuha ng overall defending champion sa UAAP na UST ang kanilang ikalimang titulo sa 74th season nang walisin ng Tigers ang FEU para mapagharian ang men’s table tennis.

Tinalo ni Martin Diaz si Romiel Igno, 11-5, 8-11, 11-8, 11-5, sa first singles bago sumunod sina Aaron Morales at Christian Abendan laban kina Remy Dacut at Mark Yap, 15-13, 11-7, 12-10, sa doubles.

Nakabawi ang Tamaraws sa unang second singles nang manalo si Monarch Broqueza kay Adolfo Bazar, 5-11, 11-6, 11-8, 11-6, pero hindi na pinayagan pa ng rookie Gil Ablanque na makahulagpos pa ang titulo nang manalo kay Jhinno Selma sa ikatlong singles, 11-7, 12-10, 12-10, at kunin ang titulo gamit ang 3-1 karta.

Sa kabuuan ay winalis ng UST ang best of three series dahil kinuha rin nila ang game one sa 3-0 shutout panalo.

Si Morales ang hinirang bilang MVP habang si Bazar ang nanalo bilang Rookie of the Year.

“Alam ko ang skills ng mga players at lamang talaga kami,” wika ng may kumpiyansang UST coach na si Henberd Ortalla na naibigay sa paaralan ang ikawalong titulo sapul nang naupo bilang head coach noong 1997.

Ang men’s table tennis title ay isinama ngayon sa naunang pinagharian ng laro sa first semester na men’s at women’s judo, men’s taekwondo at women’s beach volley.

vuukle comment

AARON MORALES

ADOLFO BAZAR

CHRISTIAN ABENDAN

GIL ABLANQUE

HENBERD ORTALLA

JHINNO SELMA

MARK YAP

MARTIN DIAZ

MONARCH BROQUEZA

REMY DACUT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with