Cabagnot lumabas ang pagiging beterano

MANILA, Philippines -  Bagamat may ilang bagitong nagpapasikat sa kasalukuyang 2011-2012 PBA Philippine Cup, hindi naman nagpapahuli ang beteranong si Alex Cabagnot.

Sa 2-0 kartada ng Petron Blaze, ang pointguard na si Cabagnot ang na­ging sandigan ni coach Ato Agustin.

“Ipinapakita talaga ni Alex ang pagiging beterano niya at ang poise niya napakalaking tulong sa team,” wika ni Agustin kay Cabagnot, napiling No. 2 overall pick ng Sta. Lucia Realty sa 2005 PBA Rookie Draft bago naglaro sa Coca-Cola at Burger King.

Sa kanyang kabayanihan, nahirang ang Fil-Am cager, napunta sa San Miguel noong 2010, bilang Accel-PBA Press Corps’ Player of the Week.

Ang tatlong sunod na three-point shots ni Cabag­not ang nagpainit sa isang 18-4 breakaway ng Boos­ters mula sa 75-70 lamang laban sa Barako Bull Ener­gy patungo sa kanilang 95-83 panalo noong Biyernes sa Ynares Center sa Antipolo City.

Show comments