Pacquiao bibiyahe patungong LA

MANILA, Philippines - Matapos ang isang three-week, high-altitude training sa Baguio City at isang magaang na sparring session kay Venezuelan lightweight Jorge Linares, nakatakdang bumiyahe si Manny Pacquiao patunong Los Angeles, California kagabi.

Magsasanay si Pacquiao ng apat na linggo sa Wild Card Boxing Gym ni trainer Freddie Roach sa Hollywood, California para sa kanilang pangatlong banggaan ni Juan Manuel Marquez na nakatakda sa Nobyembre 12 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Itataya ni Pacquiao ang kanyang hawak na WBO welterweight title laban kay Marquez.

“Kailangan ko talagang paghandaan itong laban na ito kay Marquez para malaman na kung sino talaga sa amin ang tunay na nanalo sa dalawang laban na­min,” sabi ng 32-anyos na Sarangani Congressman.

Bago umalis, nakipag-ensayo muna si Pacquiao kay Linares sa kanyang MP Tower Gym sa Manila.

Inalalayan ni Pacquiao si Linares bunga ng nata­mo nitong putok sa kaliwang mata.

Show comments