Hanggang 3 rounds lang si Marquez - Ariza
MANILA, Philippines - Sa loob ng three rounds ay inaasahan ni strength and conditioning coach Alex Ariza na mapapatulog ni Manny Pacquiao si Juan Manuel Marquez sa kanilang ‘trilogy’ sa Nobyembre 12.
“Manny is just really heavy-handed,” ani Ariza sa Filipino world eight-division champion. “He’s quick, he’s explosive, and you know, those three combinations together just makes things worse.”
Natapos na kahapon ang three-week, high altitude training ng Sarangani Congressman sa Shape Up gym sa Cooyesan Hotel sa Baguio City.
Inaasahang bababa ngayong araw sa Maynila si Pacquiao bago bumiyahe sa Los Angeles, California bukas para sa pagpapatuloy ng kanyang pagsasanay sa Wild Card Boxing Gym ni trainer Freddie Roach.
"We will have 100 more rounds of sparring in the Wild Card," wika ni Roach.
Nakatakdang itaya ni Pacquiao, may 53-3-2 win-loss-draw ring record kasama ang 38 KOs, ang kanyang btibit na WBO welterweight belt kontra kay Marquez (53-5-1, 39 KOs) sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
- Latest
- Trending