^

PSN Palaro

San Beda kinopo ang ikalawang 'twice-to-beat'

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Inangkin ng San Beda College ang ikalawa at huling ‘twice to beat’ advantage sa 87th NCAA men’s basketball sa pamamagitan ng 84-68 panalo sa Let­ran College kahapon sa The Arena sa San Juan C­ity.

May 28 puntos si Garvo La­nete pero malaki ang ginawa ng bench sa pangu­nguna ni Anthony Seme­rad upang madomina ng Red Lions ang Knights at sungkitin ang ika-15 panalo sa 17 laro.

“It’s all about winning big games. I want to congra­tulate my players for playing very well today,” wika ni San Beda coach Frankie Lim.

Gumawa ng 40 puntos ang bench ng Red Lions sa pangunguna ng 16 ni Seme­rad at siya at si La­nete ay tumipak ng tig-tat­long tres na nagamit ng ko­ponan upang unti-unting la­yuan ang Knights na nalag­lag sa ikatlong puwesto sa 14-4 baraha.

 “This is an important game for us and I’m just glad we were able to pull this emotional win. Now the pressure is off as far as twice-to-beat in concern and now we want to remain as the number one team in this league,” wika pa ni Lim.

Huling laro ng koponan sa Miyerkules ay laban sa San Sebastian at kung ma­ngibabaw ang San Beda ay magkakatabla sila ng Stags sa 16-2 at manga­ngailangan ng playoff para sa No. 1 seeding.

Sa ikalawang yugto kumawala ang Red Lions upang ang 17-14 kalama­ngan ay palakihin sa 42-30.

Kampante nang nasa unahan ang San Beda sa 20 puntos, 69-49, nang mag­­pakawala ng dala­wang tres si Mark Cruz upang idi­kit ang Letran sa 61-71, may 4:51 sa orasan.

At ito na ang pinakamalapit na dikit ng Knights dahil isang tres at tatlong freethrows ang ginawa ni Semerad, habang ikatlong tres ang pinakawalan ni Lanete para ilayo uli ang Red Lions sa 82-64.

May 14 puntos si Kevin Alas mula sa mahinang 5-of-15 shooting upang pa­ngunahan ang Letran.

“Hirap talagang kalaban ang San Beda at hindi yata ako mananalo sa kanila sa taong ito,” wika ni Knights’ mentor Louie Alas.

Apat na manlalaro naman ang gumawa ng mahigit na 10 puntos para sa St. Benilde upang matusok ang ikaanim na panalo sa 17 laro gamit ang 82-73 ta­gumpay sa Emilio Aguinaldo College sa unang la­ro.

ANTHONY SEME

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

FRANKIE LIM

GARVO LA

KEVIN ALAS

LETRAN

LOUIE ALAS

RED LIONS

SAN BEDA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with