BAGUIO CITY, Philippines -- Inalagaan na lamang ni Eastern Pangasinan bet Santy Barnachea ang kanyang posisyon kaysa sumabay sa isang breakaway group para sa layuning maging kauna--unahang three-time winner ng Tour sa 2011 LBC Ronda Pilipinas kahapon dito.
Sumama si Barnachea sa isang maliit na grupo na tumapos na magkakatabla sa 14th place sa tiyempong isang oras, 48 minuto at 45.9 segundo sa nasabing 46.4-kilometer na Stage 10 na nagsimula sa Agoo, La Union.
Ang 35-anyos na si Barnachea ang naghari sa Tour sa isang four-leg event noong 2002 at sa isang eight-lap meet noong 2008.
Ang tubong Uminggan, Pangasinan na nakabase ngayon sa San Mateo, Rizal ay kalmadong tumawid sa finish line sa Lake Drive.