^

PSN Palaro

Petron kinuha ang 2nd win

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Bagamat hindi pa na­ku­kuha ang serbisyo ng mga injured na sina Jay Wa­­shington, Rabeh Al-Hus­saini at Dondon Hontive­ros, du­miretso pa rin ang Boos­­ters sa pagkopo sa ka­­nilang ikalawang sunod na pa­nalo.

Sinandigan sina Alex Cabagnot, Arwind Santos, Carlo Sharma at rookie Fil-Am Chris Lutz sa third period, pinayukod ng Petron Blaze ang Barako Bull, 95-83, sa elimination round ng 2011-2012 PBA Philippine Cup kahapon sa Yñares Cen­ter sa Antipolo City.

May 2-0 rekord ngayon ang Boosters, nangga­ling sa 73-69 paggiba sa B-Meg Llamados noong Miyerkules.

“It was a total team ef­fort. Kitang-kita naman da­hil limang players ang na­ka-double figures sa amin,” ani coach Ato Agustin sa kanyang Boosters na nag­lunsad ng isang 15-1 atake sa third period.

Tumapos si Cabagnot na may 22 points para sa Petron, ang kampeon sa nakaraang 2011 PBA Go­vernors Cup, kasunod ang 19 ni Santos, 17 ni Lutz, 15 ni Sharma at 11 ni two-time PBA Most Valuable Player Danny Ildefonso.

Pinangunahan ni Mick Pennisi ang Barako Bull, dating Air21, sa kanyang 16 markers, ha­bang nagdagdag ng 15 si rookie Allein Ma­liksi at 11 si Sun­day Sal­vacion.

Kasalukuyan pang nag­lalaban ang Talk ‘N Text, naghari sa nakaraang PBA Philippine Cup at Commissioner’s Cup, at ang sister team na Meralco habang isinusulat ito.

Samantala, nakatakdang magpulong ang PBA at ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) para sa komposisyon ng susunod na national team.

ALEX CABAGNOT

ALLEIN MA

ANTIPOLO CITY

ARWIND SANTOS

ATO AGUSTIN

B-MEG LLAMADOS

BARAKO BULL

CARLO SHARMA

PHILIPPINE CUP

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with