^

PSN Palaro

5 ginto sa karatedo, gymnastics sa SEAG

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Hindi bababa sa pinag­sa­mang limang ginto ang puwedeng manggaling sa ipadadalang koponan ng Gymnastics Association of the Philippines (GAP) at Philippine Karatedo Federation (PKF) sa gaganaping 26th SEA Games sa Indonesia mula Nobyembre 11 hanggang 22.

Dumalo ang pangulo ng GAP na si Cynthia Car­reon at PKF head Enrico Vasquez sa PSA Forum ka­hapon at ang una ay na­niniwalang kayang ma­kapaghatid ng tatlong ginto at dalawa naman ang sinisipat ng huli sa SEAG.

Ang kambal na Fil-Ams na sina Jean Nathan at Christian Monteclaro bukod pa kay Anna Finnegan ang mga mangunguna sa inaasahang ginto sa SEAG.

Ang magkapatid na Monteclaro ay maglalaro sa World Artistic Gymnastics Championships sa Tok­yo, Japan mula Oktubre 8 hanggang 16 at dito ma­kikilatis ang kanilang kahandaan para sa SEAG.

Sa kabilang banda, ang mga batang karatekas na ang iba ay nagkampeon sa Philippine National Games sa Bacolod ang babandera sa siyam na karatekas na iba­bala sa SEAG.

Si Mae Soriano ang lalabas na pinakabeterano at ma­kakasama ni Soriano na lalaban sa women’s -55 kgs. bilang potential gold meda­lists ang mga baguhang sina Antonino Franco (-55kgs), Jason Macaalay (-60kgs), Rexor Romaquin (-67kgs) at OJ Delos Santos (men’s Kata).

ANNA FINNEGAN

ANTONINO FRANCO

CHRISTIAN MONTECLARO

CYNTHIA CAR

DELOS SANTOS

ENRICO VASQUEZ

GYMNASTICS ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

JASON MACAALAY

JEAN NATHAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with