^

PSN Palaro

Saludar kumakaway sa 2012 London Olympics

-

BAKU, Ajerbaijan--Si­nandalan ni Guangzhou Asian Games flyweight gold medalist Rey Saludar ang kanyang malawak na kara­nasan upang talunin ang mas batang katunggali at makalapit ng isang hakbang patungong 2012 London Olympics.

Nasilipan na mahina ang depensa ni 19-anyos Safoviddin Yusufi ng Taji­kistan, umiskor ng mga puntos si Saludar gamit ang kanyang kaliwang straight at hook tungo sa 28-12 panalo sa second round ng 52-kg division sa 2011 AIBA World Championships nitong Linggo dito.

Hindi nakaporma si Yusufi na isang gold medalist sa 2010 Combat Games dahil hindi maresolbahan ang kaliwa ng Filipino boxer upang makaabante na si Saludar sa ikatlong round.

Kakaharapin ng 23-an­yos na kaliweteng boksi­ngero na tubong Polomolok, South Cotabato ang fourth seed at two--time Olympian at 2007 World Championships gold medalist Rau’shee Warren ng US.

Pinagpahinga ni Warren si Georgiy Chigayev ng Ukraine sa 22-15 iskor.

Ang mananalo sa pagi-tan nina Saludar at Warren ay aabante sa quarterfinals at makakakuha na ng tiket sa London Games.

Sisikapin naman nina light flyweight Mark Anthony Barriga at bantamweight Joan Tipon na madagdagan pa ang hanay ng Filipino bo­xers sa second round ng sumampa uli ang mga ito sa ring nitong Lunes.

Katapat ng 18-anyos na si Barriga ang 23-anyos at eight seed na si Patrick Barnes.

Mas beterano si Barnes dahil nanalo na ito ng bronze medal sa 2008 Beijing Olympics pero hindi natitinag ang loob ni Barriga na nais ding makatungtong ng London sa kanyang murang edad.

Ang Doha Asian Games gold medalist na si Tipon ay makikipagsubukan naman sa 22-anyos na si Zhang Jiawei ng China.

Nanalo sa first round sa dikitang 13-12 laban kay Alberto Melian ng Argentina, tiyak na mapapalaban uli ang 29 anyos na si Tipon dahil ang kalaban ay isang silver me­dalist ng 2010 Asian Ga­mes at Combat Games.

Anim na boksingero ang inilaban ng Amateur Boxing Association of the Philippi­nes (ABAP) pero nasibak na sina Delfin Boholst, Charly Suarez at Rolando Tacuyan nang mabigo sa kanilang unang laban.

ALBERTO MELIAN

AMATEUR BOXING ASSOCIATION OF THE PHILIPPI

ANG DOHA ASIAN GAMES

ASIAN GA

BARRIGA

BEIJING OLYMPICS

COMBAT GAMES

SALUDAR

SHY

WORLD CHAMPIONSHIPS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with