Oconer bida sa Stage 5
MANILA, Philippines - Kumawala sa huling 700 metro ang national junior rider na si George Oconer para mapagharian ang Batangas-Tagaytay Stage five ng 2011 LBC Ronda Pilipinas kahapon.
Nagrematehan sina Oconer at beteranong si Irish Valenzuela pero naunang naitawid ni Oconer ang kanyang gulong para opisyal na makuha ang stage win.
Iisang oras ang dalawang siklista sa inilistang tiyempong isang oras, 24 minuto at 9.6 segundo at nakatulong ito ng malaki kay Oconer na dumikit pa sa tagisan para sa overall individual.
“I just gave it all in the final stretch, I didn’t even notice that there was someone (Valenzuela) behind me,” ani Oconer matapos mapagwagian ang natu-rang karera.
Si Joel Calderon na siyang may hawak ng liderato ay tumapos sa pang-apat na puwesto sa 1:24:21.9 para sa 17:48:18 nangungunang tiyempo.
Pero kailangan niyang ingatan si Oconer dahil kapos na lamang ito ng 12 segundo sa pangalawang puwesto.
Kumulekta ng P50,000 premyo si Oconer sa stage win at tiyak na makakatulong ito para mapataas ang morale papasok sa susunod na stage na magsisimula sa Quezon City at magtatapos sa Tarlac.
- Latest
- Trending