^

PSN Palaro

Kay Julaton pa rin ang korona

- Ni RC -

MANILA, Philippines - Ginamit ang kanyang eksperyensa, dinomina ni Ana ‘The Hurricane’ Julaton si Mexican challenger Jessica Villafranca via unanimous decision upang patuloy na isuot ang kan-yang World Boxing Organization (WBO) female super bantamweight belt sa ikalawang sunod na pag­kakataon kahapon sa Kanasin, Yucatan sa Me­xico.

Bagamat naputukan sa noo, naging agresibo pa rin ang 31-anyos na si Julaton laban sa 18-anyos na si Villafranca upang makakolekta ng 98-91, 96-93 at 97-92 points mula sa tatlong judges.

Nauna nang naidepensa ni Julaton ang kanyang WBO title matapos talunin si American challenger Angel Gladney via unanimous decision noong Hunyo 24 sa Miami, Florida.

Bukod sa WBO female super bantamweight belt, nasikwat rin ni Julaton ang International Boxing Association female super bantamweight crown nang manalo laban kay Mexican Maria Elena Villalobos via split decision noong Hun­yo 30, 2010 sa Ontario, Canada.

May 10-2-1 win-loss-draw ring record ngayon si Julaton kasama ang 1 KO, habang ito naman ang pang-apat na kabiguan ni Villafranca para sa kanyang12-4-0 (6 KOs) card.

Si Julaton ay sinanay ni four-time Trainer of the Year Freddie Roach at minsan na ring nakasabay si Manny Pacquiao sa kanyang Wild Card Boxing Gym sa Hollywood, California.  

ANGEL GLADNEY

INTERNATIONAL BOXING ASSOCIATION

JESSICA VILLAFRANCA

JULATON

MEXICAN MARIA ELENA VILLALOBOS

SI JULATON

TRAINER OF THE YEAR FREDDIE ROACH

VILLAFRANCA

WILD CARD BOXING GYM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with