SBC, UP jins kampeon sa SMART inter-school
MANILA, Philippines - Kapwa nagsubi ang San beda College at University of the Philippines ng tig-tatlong ginto upang tanghaling senior men at senior women’s champion, ayon sa pagkakasunod sa nakaraang SMART inter-school taekwondo tournament sa Ninoy Aquino Stadium.
Ibinigay nina bantamweight Kevin Ngitngit, lightweight Alvine Cuvinar at welter/middle Ron Servito ang ginto sa Bedans, habang sina bantam Marigold Taculog, lightweight Cyrmyn Perlas at welter/middle Geneve Castillo ang nagpatingkad naman sa kampanya ng UP Diliman squad.
Tinalo ng Bedans ang Rizal Technological College at UP, habang nasilat ng UP lady jins ang San Beda at Lyceum.
Ang iba pang tinanghal na kampeon sa iba pang kategorya ay ang Juan Sumulong, grade school boys; OLOPSC, grade school girls; La Salle Greenhills, junior men at University of Baguio, junior women.
Ang naturang torneo ay itinataguyod ng Philippine Sports Commission, PLDT, SMART Communications at Milo.
- Latest
- Trending