^

PSN Palaro

Sports Idol ginigipit ng PAGCOR

- Ni Robbie M. Pangilinan -

MANILA, Philippines -  Sinasabing ginigipit ng Philippine Gaming Corporation (PAGCOR) ang nanalo sa Pinoy Sports Idol Season 9 na si Charizza Camille Alombro.

Hindi raw mabibigay ng PAGCOR ang pangakong premyo na all-expenses paid trip sa kahit anong paligsahan na gusto ni Alombro na lalahukan sa ibang bansa.

Ang 16-tong gulang taekwondo varsity team member ng University of the Philippines-Diliman ang nagwagi sa reality TV show noong Hunyo 24, 2009. Bukod sa isang college scholarship grant, pinangakuan si Alombro ng libreng biyahe sa kahit anong bansa upang sumali sa anumang kompetisyon na sagot ng PAGCOR.

Lalahok sana si Alombro sa 4th Chicago International Taekwondo Winter Games sa Illinois sa Nobyembre 11 hanggang 13 kasama ang kapatid na si Raymund.

Tumawag sa PAGCOR ang ina ng mga Alombro dalawang buwan na ang nakalipas upang ipaalam sa kanila na gagamitin na ni Charizza ang kanyang premyo upang sumali sa nasabing torneo sa Estados Unidos.

Isang Joyce Uy umano mula sa advertising department ng PAGCOR ang nagsabing hindi malalabas ng ahensiya ang premyo dahil sa mahabang proseso ng paghingi ng pondo at babayaran na lamang umano si Charizza sa anumang gastos niya basta may opisyal na resibo siyang maipapakita.

ALOMBRO

BUKOD

CHARIZZA

CHARIZZA CAMILLE ALOMBRO

CHICAGO INTERNATIONAL TAEKWONDO WINTER GAMES

ESTADOS UNIDOS

ISANG JOYCE UY

PHILIPPINE GAMING CORPORATION

PINOY SPORTS IDOL SEASON

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES-DILIMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with