^

PSN Palaro

UP Lady swimmers, La Salle tankers kampeon sa UAAP

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Binasag ang 4x100m medley relay ng UP ang inaamag ng UAAP record sa nasabing event para katampukan ang dominasyon ng Lady Maroons nang mapanatili ang kanilang titulo sa natapos na pool events sa Trace Aquatics Center sa Los Banos, Laguna.

Sina Aphrodite Magbanlac, Antoinette Aquino, Tiara Tudio at Tin Hipol ay gumawa ng apat na minuto at 42.55 segundo para tabunan ang 4:49.94 marka na hawak dati ng FEU na naitala noon pang 1969.

Si Claire Adorna ay gu­mawa rin ng bagong re­cord sa 50m breast stroke sa 30.63 tiyempo upang ibaon na ang 31.56 marka ni Luica Dacanay noong 2007 para tulu­ngan ang Lady Maroons na makapagtala ng nangu­ngunang 312 puntos.

Ito ang ikatlong sunod na taon na ang UP ang nanalo sa women’s division upang magkaroon na ng kabuuang 12 titulo.

Pumangalawa ang Ateneo sa 216 habang ang La Salle ang pumangatlo sa 159 puntos.

Binawi naman ng Archers ang kabiguan ng ka­nilang women’s team nang agawin ang titulong hawak noong 2009 pero naisuko sa UP noong naka­raang taon.

Kumubra ng 262 puntos, si Johannsen Aguilar ang siyang nanguna sa La Salle nang manalo ng dalawang ginto sa 50m backstroke (27.52) at 200m butterfly (2:13.62).

Ang oras ni Aguilar sa 50m back ay mas mabilis sa kanyang UAAP record na 27.54.

Pumangalawa ang UST sa 201 puntos habang ang host Ateneo ang nasa ikatlong puwesto sa 135. Ang napatalsik na kam­peon na Maroons ay tumapos sa pang-apat lamang.

Hinirang na MVP sina Aguilar (men)at Cenine Gonzales (women) ng Ateneo habang ang mga Rookie of the Year ay sina Xavier Ilustre ng UST (men) at Kim Uy ng Ateneo (women).

Nagbunga naman ang laban ng host Ateneo sa juniors dahil ang Eaglets ang hinirang na kampeon sa ikapitong sunod na taon.

Si Gabriel Castelo ang naglagay ng kinang sa Eaglets tankers dahil binura niya ang 20-taong record na hawak ng dating Olympian Ryan Papa na 1:01.96 sa 100m backstroke sa naitalang 1:01.85.

May kabuuang 323 puntos ang Ateneo at si Castelo ang hinirang bilang MVP sa kalalakihan at si Christine Joy Mendoza ng UE ang best female tanker.

AGUILAR

ANTOINETTE AQUINO

ATENEO

CENINE GONZALES

CHRISTINE JOY MENDOZA

JOHANNSEN AGUILAR

KIM UY

LA SALLE

LADY MAROONS

LOS BANOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with