Training ni Pacquiao 'di napigil ni 'Pedring
BAGUIO CITY, Philippines - Sa kabila ng malakas na buhos ng ulan dahil sa pananalasa ng bagyong Pedring, hindi nagpapigil si Manny Pacquiao sa kanyang pagsasanay kahapon dito.
Ang nakasanayang regular na pagtakbo ay hindi niya ginawa at sa halip ay minabuti ng Pambansang kamao na ibuhos ang kanyang ginagawang training sa loob ng gym.
“Dahil maulan, sa loob lang,” wika ni Pacquiao.
Sumabak rin siya ng apat na rounds ng sparring kay Venezuelan lightweight Jorge Linares sa loob ng apat na oras.
“He will have to do his workouts inside until the typhoon is over,” wika naman ni coach Freddie Roach.
Si Linares ay pinili ni Roach na maging sparring ni Pacquiao dahil sa magkatulad nilang estilo ng makakalabang si Juan Manual Marquez sa Nobyembre 12.
Ayon kay Roach ang pagkuha kay Linares ay kinukunsidera niyang perpektong training naman ng Venezuelan boxer para sa kanyang laban sa darating na Oktubre.
At sa kanyang ikalawang linggong training, sumailalim si Pacquiao sa mga exercises na karamihan para sa kanyang balikat at braso kasama ang conditioning coach na si Alex Ariza na gumawa rin ng limang rounds ng stretching at flex exercises.
Sinanay naman ni Roach si Pacquiao sa mabigat na 10 round na mitt training nitong Lunes ng hapon para mas mabilis siyang makapagpalit ng stratehiyang kumbinasyon alinman sa mid section o blind side.
Sinabi ni Roach na sa ngayon si Pacquiao ay overweight na lamang ng apat na pounds para sa itinakdang catchweight na 145 pounds, pero ayon mismo kay Pacquiao siniguro nito na hindi siya magiging overweight kapag dumating na ang araw ng kanilang weigh-in ni Marquez.
“Hindi naman ako overweight,” pagtatapos ni Sarangani Congressman.
- Latest
- Trending