^

PSN Palaro

MVP itutuloy pa rin ang suporta sa programa ng SBP

-

WUHAN--Bagamat nagwakas na ang pagkakataon ng Smart Gilas Pilipinas na makalaro sa 2012 Olympic Games sa London, hindi pa rin sumusuko si Samahang Basketboll ng Pilipinas president Manny V. Pangilinan sa kanyang pangarap.

Sinabi ng business tycoon na mas magiging determinado pa rin siya sa programa ng SBP matapos ang fourth-place finish ng Nationals sa katatapos na 26th FI­BA Asia Championship dito.

“Whatever it takes. Whether it’s 2012, 2016, 2020 or pag patay na ako (even when I’m dead),” sabi ni Pangi­linan sa mga Filipino sportswriters.

Ito ang ipinangako ni Pangilinan sa kanyang pakiki­pag-usap kina FIBA president Yvan Mainini at secretary general Patrick Bauhmann matapos matalo ang Smart Gilas sa Korea para sa third place kamakalawa.

 “They were complimentary and encouraging. They told me we 'made some progress, big progress, just keep on doing what you’re doing.' I told them 'we will not lose our dream of one day entering the Olympics,'” ani Pangilinan.

“No matter what the people expect, I’m determined to see our support of the program. I’m determined to see one day the Philippines entering the Olympics,” dagdag pa ng Phl cage federation chief.

Magkahalo rin ang nararamdaman ni Pangilinan ukol sa fourth-place finish ng Nationals sa naturang 16-nation meet na nagsilbing regional eliminator para sa London Olympics.

Limang minuto na lamang ang kailangan para matiyak ang bronze medal, hindi nabantayan ng Smart Gilas si Cho Sungmin patungo sa 70-68 panalo ng Korea.

Inangkin naman ng China ang nag-iisang tiket para sa 2012 Lonodon Games matapos lusutan ang Jordan, 70-69.

ASIA CHAMPIONSHIP

CHO SUNGMIN

LONDON OLYMPICS

LONODON GAMES

MANNY V

OLYMPIC GAMES

PANGILINAN

PATRICK BAUHMANN

SAMAHANG BASKETBOLL

SMART GILAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with